Daily Archives: September 29, 2012

Rome Declaration (Commitment of Filipino Migrants in Europe)


    ROME DECLARATION (Commitment of Filipino Migrants in Europe)

    We, 250 delegates of the Filipino Diaspora in Europe (Austria, Belgium, Czech
    Republic, Denmark, France, Italy, Germany, Great Britain, Greece, Malta,
    Netherlands, Norway, Spain Sweden and Switzerland) and in other countries of
    the world (Hong Kong, Saipan, Singapore, United Arab Emirates, Israel, Canada
    and US), gathered in Rome for the first D2D Conference, held on 27-29 September
    2012, hereby recommend the following:

    1. The Overseas Filipinos organizations, church groups, local and Philippine
    government institutions in the host countries, UN agencies and international
    organizations shall cooperate to organize and implement concrete actions
    aiming at recognizing the treasures of the Filipino culture and helping all
    Filipinos overseas be open to and be and enriched by the host countries’
    cultures in order to become “Glocal” Filipinos (global as well as local).

    2. The Overseas Filipinos organizations and local and Philippine government
    institutions in the host countries shall jointly promote the empowerment of
    the Filipino diaspora, including the undocumented, fostering the unification
    process among Filipinos overseas and the integration with other migrants and
    local people in the host societies.

    3. The Overseas Filipinos organizations, church groups, local and Philippine
    government institutions in the host countries, UN agencies and international
    organizations shall enact programs aiming at increasing Filipinos overseas’
    awareness of their rights and as well as the laws and regulations in the host
    countries.

    4. The Philippine government shall establish a 1-stop-shop center for proper
    advice and assistance to returnees in the Philippines.

    5. The Overseas Filipinos organizations, church groups, local and Philippine
    government institutions in the host countries shall cooperate in the
    establishment of counseling centers and support groups in all the host
    countries.

    6. The NGOs, academe and local Philippine government institutions in the host
    countries shall collaborate in the organization and offer of accessible the
    offering of and sustainable finance literacy programs to Filipinos overseas.

    7. The private sector, NGOs, Overseas Filipinos’ organizations, local and
    Philippine government institutions in the host countries, UN agencies and
    International organizations shall forge a multi-stakeholder partnership aiming
    at promoting the economic security of Filipinos overseas.

    8. The Overseas Filipinos’ organizations, church groups, Philippine government,
    NGOs and ILO shall cooperate to help Filipino domestic workers to develop
    their capacities (i.e. value formation programs), and set up service centers for
    them in the host countries.

    9. The Filipino families, church groups, NGOs, Overseas Filipinos’ organizations,
    Philippine government and local host government shall jointly promote
    studies, researches, consultation and dissemination activities aiming at
    increasing the awareness of the issues impacting on Filipino youth engaged in
    international migration and organize and implement specific programs
    addressing their needs

    10.The Filipino families, church groups, NGOs, Overseas Filipinos’ organizations,
    Philippine government and local host government shall jointly promote and
    cooperate to set up counseling centers and support groups to address all
    problems affecting the Filipino families involved in international migration (i.e.
    isolation, domestic violence, mental and physical health).

    11.The Global Filipino Diaspora council and the already engaged Overseas
    Filipinos’ organizations shall jointly promote the participation in the D2D
    process of all Filipino overseas in Europe through their organizations, starting
    from bringing back the outcomes of this conference to their respective
    countries.

    12.The relevant Philippine government institutions shall promote to capitalize on
    already existing mechanisms and structures that can address the priority issues
    identified by the Conference.

    Therefore we formally commit to promote the implementation of all the above mentioned recommendations through our regional and national networks and platforms, ensuring the linkage with the Global Filipino Diaspora Council.

    As a concrete manifestation of our commitment we hereby establish the
    European Network of Filipino Diaspora (ENFiD), according to the modalities
    adopted in this conference.

    Rome, 29 September 2012

     

    DEKLARASYON SA ROMA

    Kami, ang 250 delegates ng Filipino Diaspora sa Europa (Austria, Belgium,
    Czech Republic, Denmark, France, Italy, Germany, Great Britain, Greece,
    Malta, Netherlands, Norway, Spain, Sweden at Switzerland) at ng iba pang
    mga bansa sa mundo (Hong Kong, Saipan, Singapore, United Arab Emirates,
    Israel, Canada at US), na nagtipon sa Roma para sa kauna-unahang D2D
    Conference, na ginanap noong 27-29 Setyembre 2012, ay iminumungkahi ang
    mga sumusunod:

    1. Ang mga organisasyon ng Pilipino sa ibayong dagat, mga grupo ng simbahan,
    mga institusyong lokal at ng pamahalaan ng Pilipinas sa bansang kinaroroonan,
    ahensya ng UN at mga internasyunal na organisasyon ay magtutulungan sa
    pagsasa-ayos at pagpapatupad ng mga kongkretong aksyon na naglalayong
    pahalagahan ang mga yaman ng kulturang Pilipino at tulungan ang lahat ng
    Pilipinong nasa ibayong dagat upang maging bukas sa at mapagyaman ng
    kultura ng bansang kinaroroonan upang maging “Glocal Filipinos” (global at
    local).

    2. Ang mga organisasyon ng Pilipino sa ibayong dagat, institusyong lokal at ng
    pamahalaan ng Pilipinas sa bansang kinaroroonan ay sama-samang itataguyod
    ang pagbibigay ng kapangyarihan sa mga Pilipino sa diaspora, kasama na ang mga hindi-
    dokumentado, pagtitibayin ang proseso ng pagkakaisa ng mga Pilipino sa iba’t-ibang
    bansa at ang kanilang integrasyon kaakbay ng iba pang mga migrante at ng
    mga mamamayang lokal sa lipunan ng bansang kinaroroonan.

    3. Ang mga organisasyon ng mga Pilipino sa ibayong dagat, mga grupo ng
    simbahan, insitusyong lokal at ng pamahalaan ng Pilipinas sa bansang
    kinaroroonan, mga ahensya ng UN at mga internasyunal na organisasyon ay
    magsasagawa ng mga programa na naglalayong palawakin ang kaalaman ng
    mga Pilipino sa ibayong dagat ukol sa kanilang mga karapatan, gayundin ang
    mga batas at alituntunin ng bansang kinaroroonan.

    4. Ang pamahalaan ng Pilipinas ay magtatatag ng one-stop-shop center kung saan
    makakakuha ng mga angkop na payo at tulong ang mga Pilipinong balikbansa.

    5. Ang mga organisasyon ng mga Pilipino sa ibayong dagat, mga grupo ng
    simbahan, institusyong lokal at ng pamahalaan ng Pilipinas sa bansang
    kinarororonan ay makikipagtulungan sa pagtatatag ng mga counselling centers
    at support groups sa lahat ng mga bansang kinarororoonan ng mga Pilipino sa
    ibayong dagat.

    6. Ang mga NGO, akademya at mga institusyong lokal at ng pamahalaan ng
    Pilipinas sa mga bansang kinaroroonan ay makikipagtulungan sa pag-oorganisa at
    pagbibigay ng mga aksesibleng programa ng karunungan tungkol sa pangmatagalang
    pananalapi sa mga Pilipino sa ibayong dagat.

    7. Ang pribadong sektor, mga NGO, mga organisasyon ng Pilipino sa ibayong dagat,
    mga institusyong lokal at ng pamahalaan ng Pilipinas sa mga bansang
    kinaroroonan ng mga Pilipino sa ibayong-dagat, mga ahensya ng UN at mga organisasyong
    internasyunal ay pagtitibayin ang mga multi-stakeholder partnership na
    naglalayong isakatuparan ang pagtataguyod ng seguridad pinansyal ng mga Pilipino
    sa ibayong dagat.

    8. Ang mga organisasyon ng Pilipino sa ibayong-dagat, mga grupo ng simbahan,
    pamahalaan ng Pilipinas, mga NGO at ang ILO ay magtutulungan upang mapagbuti ang
    kapasidad ng mga Pilipinong kasambahay sa ibayong dagat (halimbawa ay programa ukol sa
    value formation), at magtataguyod ng mga sentro ng serbisyo para sa kanila sa mga bansang
    kanilang kinaroroonan.

    9. Ang mga pamilyang Pilipino, mga grupo ng simbahan, mga NGO, mga
    organisasyon ng Pilipino sa ibayong dagat, mga institusyong lokal at ang pamahalaan ng
    Pilipinas ay sama-samang magtataguyod ng mga pag-aaral, pagsasaliksik, konsultasyon at
    pagkakalat ng impormasyon na naglalayong palalimin ang kaalaman sa mga
    usapin ukol sa mga kabataang Pilipino na bahagi ng migrasyong internasyonal at
    mag-oorganisa at magpapatupad ng mga programa na tutugon sa kanilang mga
    pangangailangan.

    10. Ang mga pamilyang Pilipino, mga grupo ng simbahan, mga NGO, mga
    organisasyon ng Pilipino sa ibayong dagat, ang pamahalaan ng Pilipinas at lokal
    na pamahalaan ng bansang kinaroroonan ay sama-samang magtutulungan at
    itataguyod ang pagtatayo ng mga counselling centers at support groups upang
    matugunan ang mga suliraning nakaaapekto sa mga pamilyang Pilipino na bahagi
    ng migrasyong internasyunal (halimbawa ay isolasyon, karahasan, mental at pisikal
    na kalusugan).

    11. Ang Global Filipino Diaspora Council at ang mga kasamang organisasyon ng Pilipino
    sa ibang bansa ay sama-samang itataguyod ang partisipasyon sa proseso ng D2D
    ng lahat ng mga Pilipino sa ibayong-dagat sa Europa sa pamamagitan ng kanilang mga
    organisasyon at magsisimula ito sa pagbabahagi ng mga pinagkasunduan ng komperensiya
    sa Roma sa kani-kanilang bansang kinaroroonan.

    12. Ang mga kaugnay na institusyon ng pamahalaan ng Pilipinas ay pagtitibayin
    ang mga kasalukuyan nang umiiral na mekanismo at istruktura na maari nang
    tumugon sa mga usaping tinukoy sa komperensya sa Roma.

    Samakatuwid kami ay pormal na nangangakong itataguyod ang pagpapatupad ng
    lahat ng nabanggit na mga rekomendasyon sa pamamagitan ng mga rehiyonal at nasyunal na network at plataporma, habang pinapanatili ang patuloy na ugnayan sa Global
    Filipino Diaspora Council.

    Bilang isang kongkretong paghahayag ng aming pangako, itinatatag namin ang
    European Network of Filipino Diaspora (ENFiD), ayon sa mga pamamaraang
    pinagtibay sa komperensyang ito.

    Roma, 29 Setyembre 2012

    Users